Manila, Philippines – Dalawang hinihinalang holdaper ang napatay ng mga tauhan ng Manila Police District matapos umanong manlaban sa isang checkpoint sa Ermita, Manila kahapon ng hatinggabi.
Lulan ng kulay itim na motorsiklo ang 2 hindi pa nakikilalang lalaki, na umano’y nakipagbarilan sa mga awtoridad nang umiwas ito sa Checkpoint.
Ayon sa ulat ni P/Insp. Rowell Robles, ng MPD-Ermita Police Staiton 5, habang nagsasagawa sila ng checkpoint sa riverside Plaza Mexico sa Intramuros, bandang 11:40 ng hatinggabi, July 18 nang mapadaan ang magkaangkas na motorsiklo.
Imbes na huminto ang dalawa, nagawa umano nilang magpaputok ng baril, hanggang sa makipagpalitan ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Nabatid sa report ng pulisya, mariin na itinuro ng isa sa biktima ng holdap ang mga napatay na umano’y holdaper. (Rene Crisostomo)