2 holdaper patay sa engkwentro

2 holdaper patay sa engkwentro

July 6, 2022 @ 3:02 PM 1 month ago


MAGUINDANAO- PATAY ang dalawang lalaki na hinihinalang holdaper matapos umanong makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis Martes sa lalawigan ito.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Erwin Tabora, hepe ng Datu Odin Sinsuat Police Station, dakong 10:30 ng gabi naganap ang engkwentro sa bahagi ng Barangay Awang, DOS.

Sinabi ni Tabora, nakatanggap sila ng report hinggil sa nagaganap na holdapan sa nasabing lugar.

Agad naman rumesponde ang mga operatiba ng DOS-PNP katuwang ang PNP Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Assir Balindong.

Pagdating sa lugar naabutan ng mga pulis ang mga suspek na tumatakas sakay ng motorsiklo matapos tangayin ang mga cellphone sa kanilang mga biktima.

Nauwi sa habulan ang operasyon habang pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang operatiba at tinamaan ang mga suspek na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre.45 na pistola, bag na may laman ng mga ninakaw nilang cellphone at pera.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek./Mary Anne Sapico