2 huli sa pangsinghot ng shabu sa kariton

2 huli sa pangsinghot ng shabu sa kariton

August 11, 2022 @ 4:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Huli sa akto ng mga tauhan ng Northern National Capital Region Maritime Police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Randy Ludovice ang dalawang suspek na sina Felix Serdan Jr, 47, stevedore at Richard Lorehas alyas “Macoy”, 35, garbage scavenger at kapwa homeless, matapos maaktuhang sumisinghot ng hinihinalang shabu sa loob ng kariton sa Banyera St., Navotas Fish Port Complex (NFPC), Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas City. Jojo Rabulan