2 HVI tiklo sa P408K shabu sa Caloocan

2 HVI tiklo sa P408K shabu sa Caloocan

August 13, 2022 @ 10:47 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit-kumulang P.4 na milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng iligal na droga sa listed High Value Individual (HVI) matapos madakip sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief PLt. Col. Renato Castillo ang mga suspek na sina Vicente Tan III alyas “Enteng”, 34 ng 2nd St., 4th Avenue, Brgy. 118 at Gabriel Longakit alyas “Gab”, 33 ng Rizal Avenue Brgy. 120.

Base kay Castillo, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin ng buy bust operation sa 2nd St., 4th Avenue, Brgy. 118 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga.

Nang tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic bag ng shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ng isang knot tied transparent plastic bag at dalawang medium size heat sealed transparent plastic bag na naglalaman ng aabot 60 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408, 000 at buy-bust money na isang tunay na P500 peso bill at pitong P1,000 peso bill boodle money.

Ani PSSG Rodney Dela Roma, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez