2 HVIs tiklo sa higit P2M shabu

2 HVIs tiklo sa higit P2M shabu

December 10, 2022 @ 2:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang dalawang high-value individuals (HVIs) at sinasabing kasapi ng Abedin-Mustafa Drug Group matapos makuhanan ng lagpas P2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Disyembre 9.

Dinakip sina Ameerhussein Dipatuan y Abedin alyas Abas, 42, ng Barangay Greater Lagro, Novaliches, Quezon City at; Jonathan Dipatuan y Lala alyas Toti, 42, ng Barangay 188, Tala, Caloocan City.

Isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek bandang alas-11:50 ng gabi sa Bldg. 5-A, MRH Site 4, Barangay 188, Tala, Caloocan City na nagresulta sa pagkasakote sa dalawang HVIs at pagkakumpiska ng abot sa 300 gramo ng shabu na may presyong P2,040,000, buy-bust money at isang berdeng coin purse.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping kaso ng mga dinakip. Merly Iral