2 HVT tiklo sa P700K droga sa Taytay!

2 HVT tiklo sa P700K droga sa Taytay!

July 27, 2022 @ 2:47 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiklo ang dalawang high value target sa 109 gramo ng shabu at 2 motorsiklo sa anti-drug operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Taytay Rizal.

Sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay P/BGen. Antonio Yarra, PRO4A-Regional director, kinilala, ang 2 nadakip na sina Danilo Policarpio y Valenzuela alyas “Boyo” at Errol Fadri y dela, Cruz alyas ” Mickey” kapwa umano high value target at nakatira sa bayan ng Taytay.

Dakong alas-5:20 ng hapon nitong Martes, nadakip sa bu-bust operation ng mga tauhan ni P/Major Joel Custodio hepe ng Provincial Intelligence Unit ang mga suspek sa Cabrera Road, Brgy., Dolores sa nabanggit na bayan.

Nakumpiska sa mga ito ang 109 gramo ng pinaniniwalaang shabu at nagkakahalaga ng P741, 200 at 2 motorsiklo na pinaniniwalaang gamit ng mga ito sa kanilang drug market sa naturang bayan.

Nakapiit na ang 2 sa detention cell ng pulisya at nakatakdang sampahan ng paglabag sa RA9165 o dangerous drug act of 2002.

Banta ni Baccay, sa mga taong sangkot sa iba’t ibang uri ng krimen lalo sa illegal na, droga walang puwang sa lalawigan ang mga ito isang patunay umano ang sunod-sunod na pagkakaaresto sa mga drug suspek. Rene Tubongbanua