Monkeypox wala pa sa Pinas

June 26, 2022 @3:57 PM
Views:
2
MANILA, Philippines – Wala pang kumpirmadong kaso ng monkeypox na natukoy sa Pilipinas sa ngayon, sinabi ng Department of Health (DOH).
Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy na nagsusumite ang mga local government unit ng mga sample mula sa “suspect cases” sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa verification.
“As of today, wala pa tayong nakumpirma sa monkeypox,” anang opisyal.
Iniulat ng World Health Organization (WHO) noong Mayo 2022 ang paglaganap ng monkeypox sa mga hindi endemic na bansa.
Sa pagitan ng Enero hanggang Hunyo 15, 2022, may kabuuang 2,103 na kumpirmadong kaso at isang pagkamatay dahil sa virus ang naitala sa 42 bansa, kabilang ang mga kung saan ang monkeypox ay endemic.
Batay sa pinakahuling datos nito, mahigit 90 porsiyento ng mga kaso ang naiulat mula Mayo hanggang Hunyo 15, 2022. RNT
Paslit pisak sa pick-up

June 26, 2022 @3:43 PM
Views:
5
KORONADAL CITY –MISTULANG kamatis na napisak ang isang taong gulang na batang babae matapos magulungan ng pick-up nitong Biyernes sa lungsod na ito.
Hindi na umabot pang buhay sa ospital ng dalhin ng kanyang ina ang bata sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo.
Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at driver ng Strada pick-up na kinilalang si Melvin Apenton, 51-anyos at residente sa Barangay San Jose, Koronadal City.
Ayon kay PMSG Gandy Basan, imbestigador ng Koronadal City Traffic Office, naganap ang insidente sa tabing kalsada sa harap ng Rizal St., Waling-waling St. Brgy. Zone 4, Koronadal City.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dumaan sa pamilihan ng mga bulaklak ang mag-ina sa nasa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.
Kuwento ng isang ginang, kausap pa niya ang ina ang bata para magpa-Gcash ng bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na pagtalbog.
Dito, nakita na lamang nila ang bata na nasa ilalim ng sasakyan ni Apenton at duguan.
Agad naman isinugod sa ospital ang biktima subalit dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.
Sa ngayon hinihintay na lamang ng pulisya ang desisyon ng ina ng bata sa pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting to homicide laban kay Apenton./Mary Anne Sapico
Antipolo Cathedral idineklara ng Vatican na kauna-unahang int’l shrine sa Pinas

June 26, 2022 @3:30 PM
Views:
18
MANILA, Philippines – Idineklara ng Vatican bilang unang international shrine sa Pilipinas ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City ,ayon sa post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Ginawa ni Bishop Francisco de Leon ang anunsyo sa misa sa pagdiriwang ng ika-39 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Antipolo.
Ayon sa Obispo, nakatanggap sila ng liham mula sa Roma na nagsasabing sa Hunyo 18, na ang kanilang pambansang dambana ay kikilalanin bilang isang internasyonal na dambana.
Gayunpaman, sinabi ni De Leon na hindi pa nakakatanggap ng kopya ng opisyal na deklarasyon ang diyosesis.
Sa pag-unlad na ito, ang Antipolo Cathedral ay magiging ikatlong internasyonal na dambana sa Asya.
Ang dalawa pa ay ang St. Thomas Church Malayattoor sa India, at ang Haemi Martyrdom Holy Ground at Seoul Pilgrimage Routes sa South Korea.
Ang katedral din ang magiging kauna-unahang Marian international shrine sa Asya at pang-anim sa mundo, ayon sa CBCP.
Ang Simbahang Katoliko ay may tatlong uri ng mga dambana: mga dambana sa diyosesis, na inaprubahan ng lokal na obispo; mga pambansang dambana na kinikilala ng kumperensya ng mga obispo; at mga internasyonal na dambana na inendorso ng Vatican.
Ayon sa Catholic News Agency, ang mga internasyonal na dambana ay kinabibilangan ng mga makasaysayang lokasyon gaya ng Jerusalem at Roma, mga lugar ng aprubadong mga pagpapakita ng Marian, gaya ng Lourdes at Fatima, at mga lugar na nauugnay sa mga santo, gaya ng Assisi at Lisieux.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)
DOH: 5 lugar sa NCR, ‘moderate risk’ na sa COVID; alert level 2 posible

June 26, 2022 @3:16 PM
Views:
19
MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na apat na lungsod sa Metro Manila ang inuri na bilang “moderate risk” sa COVID-19 transmission, habang patuloy na lumalaki ang mga bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health system kung saan kabilang sa mga lugar sa NCR na moderate risk na ay ang:
-
Lungsod ng Marikina
-
Lungsod ng Pasig
-
Pateros
-
Quezon City
-
San Juan
“Ang kanilang growth rate ay lumalagpas ng 200 percent dahil nanggagaling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso, kaya tumaas ang growth rate,” Vergeire said in a televised briefing.
“Computation ’yan at hindi mabahala pero kailangan vigilant tayong lahat.”
Paliwanag ni Vergeire na ang mga lugar na nasa ilalim ng moderate risk ay maaaring ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2.
Ngunit idinagdag niya na ang data ay hindi nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa mas mahigpit na mga paghihigpit sa kuwarentenas sa gitna ng medyo mababang bilang ng mga pasyente ng COVID na na-admit sa mga ospital.
“For now, escalation to Alert Level 2 hindi pa natin nakikita. Although we cannot say by next week biglang nagtaasan. That’s the time we are going to decide and that’s going to be IATF to decide,” aniya pa.
“Marami tayong factors lagi that will contribute to the increase in number of cases. Tama kayo, kasama na diyan ‘yung pagpasok ng subvariants ng omicron sa ating bansa, which, based on evidence, is more transmissible. Kasama na rin diyan … ‘yung compliance sa minimum health standards,” dagdag pa niya.
Karamihan naman sa mga admission ng ospital, aniya, ay banayad at asymptomatic na mga kaso ng COVID-19 habang ang mga malalang kaso ay “hindi ganoon kahalaga.”
Nakapagtala ang Pilipinas noong Biyernes ng 770 bagong kaso ng COVID-19, na itinuturing na pinakamataas na bilang ng araw-araw na impeksyon mula noong Marso 6. RNT
Hirit ng ICC na pagbuhay sa PH drug war probe, ikinatuwa ng Human Rights Watch

June 26, 2022 @3:02 PM
Views:
19