2 istasyon ng pulis sa Maynila nakuhanan ng mga kontrabando

2 istasyon ng pulis sa Maynila nakuhanan ng mga kontrabando

July 9, 2021 @ 8:48 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nasamsam ng mga operatiba ang ilang kontrabando sa dalawang police station sa Maynila.

Ito ay kasunod ng isinagawang Oplan Greyhound ang MPD ngayong Miyerkules .

Ayon kay MPD Director  Brig.General Leo Francisco, layon nito na masiguro na walang nakalulusot na mga iligal na kontrabando sa mga selda.

Aabot umano sa P20,000 ang halaga at mga iligal na kontrabnado ang nakuha ng mga otoridad na gumalugad sa mga kulungan.

Ilan lamang sa mga nasamsam sa inspeksyon ay mga matutulis na bagay na maaaring magamit  bilang sandata sa MPD-Station 3.

Bukod dito may mga nakuha ding mga alahas, cash, sigarilyo, baraha, at iba pa.

Sinunod na ininspeksyon ang selda ng Malate police station (PS-9) kung saan naka kumpiska din ng  mga matutulis na bagay na ipinagbabawal sa loob ng kulungan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)