2 jet ido-donate ni Chavit sa AFP

2 jet ido-donate ni Chavit sa AFP

January 20, 2022 @ 8:24 AM 7 months ago


ILOCOS SUR- Dalawang Refurbished Lockheed S-3 Viking aircraft ang ido-donate ni League of Municipalities of the Philippines President at Narvacan Mayor Luis Chavit Singson sa Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Singson, ang mga naturang aircraft ang may pinakamahal na presyo sa mga klase ng aircraft.

Ang S-3 Viking aircraft ay isang carrier based surface warfare aircraft na gagamiting aerial refuelling tanker sa mga military airplanes.

Matapos ang ginawang meeting ng LCS Group of companies, South Korean Government at ng America na ginanap sa Washington, napagkaisahan nila na ang Pilipinas ang magiging recipient ng naturang mga aircraft at ang lugar kung saan itatayo ang Maintenance Repair Operation and Training (MRO).

Ang MRO ang magbibigay ng serbisyo sa mga jet at military airplanes ng Asian countries at European Countries kaya naniniwala si Singson na malaki ang maitutulong nito para mas lalo pang iangat o palakasin ang ekonomiya dito sa bansa.

Nakatakda umanong itayo sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas ang MRO at isa ang lalawigang ng Ilocos Sur sa mga ito. Rolando S. Gamoso