2 kabataang tulak huli sa buy-bust

2 kabataang tulak huli sa buy-bust

November 4, 2022 @ 8:53 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang kabataang tulak ng illegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Mark Bryan Pascual ng Barangay Tangos South at Angelo Domingo ng Barangay San Roque, kapwa 20-taong gulang.

Natimbog ang dalawa sa operasyong ikinasa sa Judge Roldan St., Barangay San Roque, Navotas City nitong Miyerkules, Nobyembre 2 bandang alas-9 ng gabi.

Nakuha mula sa kanila ang 8.5 gramo ng shabu na may street value na P57,800 at P300 na buy bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Merly Iral