2 kalsada sa QC ipapangalan kay Miriam Santiago

2 kalsada sa QC ipapangalan kay Miriam Santiago

December 27, 2022 @ 11:07 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nais palitan at ipangalan sa yumaong senador na si Senator Miriam Defensor-Santiago ang dalawang kalsada sa Quezon City.

Ito ay dahil sa mahabang panahon ng serbisyo nito sa bansa at mga tagumpay na naiambag sa kanyang karera sa politika.

Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 6576 na inihain noong Disyembre 9, target na palitan ang Agham Road at BIR Road ng naturang lungsod, at gawing Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.

Ang mga may-akda ng naturang panukala ay sina Isabela 1st district Rep. Tonypet Albano, Quezon City 1st district Rep. Arjo Atayde at Quezon City 4th district Rep. Marvin Rillo.

Ayon sa apat na mambabatas, magandang paraan upang kilalanin ang kontribusyon ng yumaong senadora sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan ng dalawang kalsada.

Dagdag pa, noong 1983 ay itinuturing na pinakabatang presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City si Defensor-Santiago and gained a reputation for strict impartiality in applying the law.

“She brought honor and pride to the country by being the very first Filipino and first Asian in the United Nations (UN) to be elected as a judge of the International Criminal Court (ICC),” saad sa HB No.6576.

“For her courage and moral leadership, Defensor-Santiago received the Magsaysay Award for Government Service, an award that is known as the Asian equivalent of the Nobel Prize. She was likewise the only woman recipient of the Philippines’ highest national honor, the Quezon Service Cross,” dagdag pa.

Nakamit din ni Santiago ang iba pang titulo tulad ng pagiging isang incorruptible lady, dragon lady at iron lady ng Asya.

Nagsilbi rin siya bilang commissioner ng Bureau of Immigration at Kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Tumakbo siya sa pagka-Pangulo ng bansa noong 1992 national elections at naging running mate ni noon ay Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Bise Presidente.

Namatay si Santiago dahil sa komplikasyon dulot ng lung cancer noong Setyembre 29, 2016 sa edad na 71. RNT/JGC