2 kargadong tulak, parokyano timbog sa Bulacan buy-bust

2 kargadong tulak, parokyano timbog sa Bulacan buy-bust

January 26, 2022 @ 2:17 PM 8 months ago


Bulacan – Arestado ang dalawang tulak na kargado ng deadly weapon kabilang ang bisitang parokyano matapos magbenta at mahulihan ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang mga suspek na sina Dexter Salbado,41,Christopher Plantado,29 kapwa binata ng Pabahay 2000,Brgy.Muzon at Noel Lozada,51,binata ng Brgy.North Fairview,Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya,nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon sa barangay tungkol sa iligal na aktibidades ng mga ito sa lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng surveilance ang mga awtoridad at nang magpositibo ay agad nagsagawa ng operasyon sa lugar.

Sinasabing nabilhan ng poseur buyer ng isang maliit na sachet sina Salvado at Plantado habang nakapkapan ng sachet na kapwa pinaghihinalaang shabu ang bisitang si Lozada kaya inaresto ang mga ito.

Nalamang nahuli rin kay Salbado ang isang improvised shotgun o mas kilalang “sumpak” sa kasagsagan ng operasyon.

Nakumpiska ang kabuuang 10 small heat sealed transparent plastic sachets kabilang ang buy-bust item na hinihinalang shabu,pouch,pitong bala na 12 gauge,improvised glass pipe,patalim at marked money.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek habang nakapiit sa naturang istasyon. (Dick Mirasol III)