2 kaso ng omicron sub-variant BN.1 natuklasan sa Pinas

2 kaso ng omicron sub-variant BN.1 natuklasan sa Pinas

December 29, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Natukoy sa Pilipinas ang dalawang kaso ng omicron subvariant BN.1, ayon sa Department of Health.

Itinuturing ang BN.1, sublineage ng BA.2.75, bilang “variant under monitoring” ng European Center for Disease Control.

“The variant was initially flagged by the researchers due to its increasing prevalence and mutations that may lead to enhanced immune evasion,” ayon sa pinakabagong biosurveillance report na ipinalabas ng DOH nitong Huwebes.

“However, currently available evidence for BN.1 does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original omicron variant,” dagdag nito.

Sinabi ng DOH na iniuulat pa rin ng World Health Organization ang omicron strain sa ilalim ng BA.2.75.

Base pa sa datos, nakapagtala sa bansa ng 342 karagdagang kaso ng omicron subvariants.

Sa 351 samples, 145 ang omicron BA.2.3.20, 1 ang BA.4, 76 ang BA.5, 72 ang XBB, 8 kaso ang XBC, at 40 ang iba oang omicron subvariants. Siyam naman ang natukoy bilang “no lineage assigned”.

Sinuri ng Research Institute for Tropical Medicine at University of the Philippines – Philippine Genome Center ang mga sample.

Sa145 karagdagang BA.2.3.20 cases, isa ay returning overseas Filipino habang ang natitirang 144 ay local cases mula sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 7, 8, 10, at BARMM.

Nagmula ang karagdagang BA.4 case sa Region 4A habang ang 8 karagdagang XBC cases ay galing sa Region 11.

Ayon pa sa DOH, lahat ng karagdagang BA.5 cases ay local cases mula Regions 1, 3, 4A, 4B, 5, 6, 12, BARMM, CAR, CARAGA, at NCR. 

Sa 72 karagdagang XBB cases, 2 ay ROFs habang ang natitira ay local cases mula Region 4A, 6, 7, 9, 11, 12, BARMM, at NCR. RNT/SA