2 kawatan na riding-in-tandem, utas sa Kyusi

2 kawatan na riding-in-tandem, utas sa Kyusi

October 11, 2018 @ 7:28 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa pagnanakaw sa Brgy. San Antonio, Quezon City, kagabi.

Sa sumbong ng biktima na si Marilyn Gonzales Y Santos, 62-anyos, dakong alas-9 ng gabi, naghihintay lamang siya ng masasakyan pauwi sa West Riverside St. corner San Jose St. Brgy. San Antonio ng naturang lungsod nang biglang umatake ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo. Inagaw ng isang suspek ang bag ng biktima at tinutukan pa ito ng baril.

Matapos makuha ang bag ng biktima, agad na tumakas ang dalawang suspek, nakasuot ng black at red long sleeves, sa direksyong patungong Roosevelt Avenue.

Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng TMRU sa pamumuno ni PO3 Caliboso at iba pa para mahuli ang suspek.

Nang matagpuan ang mga suspek, agad nagpaputok ng baril ang mga ito dahilan ng pagganti ng mga operatiba na ikinamatay ng dalawa.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang unit ng motorsiklo na walang plate number, isang kalibre 38 revolver, isang kalibre 357 revolver at isang helmet./Remate News Team