2 kelot nakuryente, 1 dedbol

2 kelot nakuryente, 1 dedbol

May 29, 2021 @ 12:14 PM 2 years ago


ILOCOS SUR – Tigok ang isang binata habang nasa ospital at ginagamot ang kasama nito matapos silang makuryente nang aksidenteng masagi ng hawak-hawak nilang poste ng solar street lights ang mga linya ng kuryente sa Brgy. Dayanki, Burgos ng lalawigang ito kahapon.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Kevin Tadena y Ravena, 19, residente ng Brgy. Casili, Sto. Domingo, Ilocos Sur habang masuwerte namang naka-survive ang kasama nitong si Eljan Torres y Rosales, 21, may asawa, residente ng Poblacion, San Vicente, Ilocos Sur na ngayon ay naka-confine sa Narvacan District Hospital.

Nabatid na ang dalawa ay kasalukuyang nagtatayo ng poste ng solar street lights sa naturang lugar nang biglang masagi ng hawak-hawak nilang  poste ang mga linya ng Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc. (ISECO).

Dahil dito, agad na nakuryente ang dalawang biktima. Rolando S. Gamoso