2 kulong sa P34K shabu sa Valenzuela

2 kulong sa P34K shabu sa Valenzuela

June 15, 2022 @ 5:22 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawa katao habang P34,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa kanila sa buy-bust operation sa Valenzuela City kaninang umaga.

Ayon sa Northern Police District (NPD), dakong alas-6:30 ng umaga nitong Miyerkules nang madamba ang mga suspek sa Salt St., Llenado Subdivision, sa  Barangay Karuhatan.

Nakumpiska sa mga suspek ang buy-bust money, P500 cash, isang cell phone, isang pouch at limang gramo ng pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping kaso ng mga dinakip. Merly Iral