2 kumpirmadong patay sa bagyo sa Japan

2 kumpirmadong patay sa bagyo sa Japan

September 21, 2022 @ 12:59 PM 2 weeks ago


JAPAN – Dalawa ang kumpirmadong nasawi at dalawa naman ang pinangangambahang madadagdag sa bilang ng mga nasawi makaraang hagupitin ng bagyong Nanmadol ang Japan.

Ito ay ayon sa tagapagsalita ng pamahalaan na si Hirozaku Matsuno kung saan maliban sa dalawang naunang kumpirmadong nasawi ay may natagpuan silang dalawang katawan pang wala nang buhay o “without vital signs”.

Ang katagang ito ay karaniwang ginagamit sa Japan para sa mga nasawing hindi pa nakukumpirma.

Maliban sa nabanggit na bilang, mayroon namang hindi bababa sa 114 indibidwal ang nasaktan at 14 sa mga ito ang kritikal.

Noong Linggo ng gabi ay nag-landfall sa southwestern city ng Kagoshima ang naturang bagyo. RNT/JGC