2 Lalaki, magkasunod na binaunan ng bala ng tinaguriang riding in tandem

2 Lalaki, magkasunod na binaunan ng bala ng tinaguriang riding in tandem

July 10, 2018 @ 5:38 PM 5 years ago


 

Tondo, Manila – Magkasunod na binaril ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na lugar kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Nasawi habang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ang isang 38 anyos na binata, habang hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang isang 42 anyos na driver ng Far Eastern University (FEU), makaraang magkasunod na binaril ng tinaguriang “Riding in tandem”

Nakilala ang mga biktimang sina Ryan Chantengco Y Simbulan; tambay ng 36 Simon St., sa Barangay 103 Zone 9 at Guiseppe Ariza Y  Espiritu aka Jessie, kapwa residente sa Tondo.

Samantala, blanko pa sa pagkakakilanlan ng tumakas na dalawang magkaangkas sa moptorsiklo na Yamaha Mio grey sporty na armado ng kalibre 45 baril.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Supt. Jay Dimaandal, Station Commander ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1, bandang 5:37 ng hapon, nang unang binanatan ng bala sa mukha at sa dibdib si Chantengco, habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo sa harapan ng kanilang bahay, saka mabillis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo.

At nang mapadaan sa Roxas St., di-kalayuan sa unang insidente, pinaputukan naman si Ariza sa ulo, saka muling pinaharurot ang sasakayan sa direksiyon ng  Malunggay St., sa Tondo.

Gayuman, masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng MPD-Homicide Section, sa motibo ng pamamaril kung may kaugnayan sa droga o nagti-trip lamang ang mga suspek. (Rene Crisostomo)