2 lalaki tinamaan ng kidlat: 1 patay, 1 sugatan

2 lalaki tinamaan ng kidlat: 1 patay, 1 sugatan

July 7, 2021 @ 10:24 AM 1 year ago


ILOCOS SUR- Patay ang isang lalaki habang  sugatan naman ang kasama nitong menor-de-edad  matapos na  tamaan sila  ng kidlat sa Brgy. Tampugo, Tagudin ng lalawigang ito kahapon.

Ang mga biktima  ay nakilalang sina Jayvee Shister Navarro, 25, binata at Reygan Sario Manzano, 15, residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawa ay nasa dalampasigan at abalang inaayos ang kanilang fish net o lambat nang biglang tamaan sila ng kidlat.

Ang dalawang biktima ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital ng mga rumespondeng miyembro ng MDRRMC matapos ang insidente.

Gayunman, idineklarang dead-on-arrival si Navarro. Rolando S. Gamoso