2 lalaking sangkot sa iligal na droga, patay sa Laguna

2 lalaking sangkot sa iligal na droga, patay sa Laguna

July 31, 2018 @ 7:13 AM 5 years ago


 

 

Laguna – Patay ang dalawang lalaking sangkot sa iligal na droga matapos makaengkwentro ang mga pulis sa San Pedro City, Laguna.

Kinilala ang mga suspek na sina Ranier Alcantara y Castro A.K.A. “Jabar” at Jhemar Ballenas y Puta A.K.A. “Bob”.

Ayon sa inisyal na ulat, ikinasa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng RDEU sa pangunguna ni Psupt Ariza kasama ng San Pedro City Police Station laban sa mga suspek na nauwi sa engkwetro matapos makatunog sa presensiya ng mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang 16 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na may halagang nasa P50,000 at isang .38 revolver, granada at P1,000 marked money.

Napag-alaman din na kalalaya pa lamang ng dalawang suspek ngayong taon sa Calamba city jail dahil sa kaso ng paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Patuloy na nakikipagtulungan ang RDEU sa San Pedro City Police at SOCO para sa imbestigasyon sa insidente. Remate News Team