2 lane ng Pagudpud highway na isinara sa landslide, madaraanan na – DPWH

2 lane ng Pagudpud highway na isinara sa landslide, madaraanan na – DPWH

November 7, 2022 @ 4:41 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binuksan na ang dalawang lane ng national highway sa Pagudpud, Ilocos Norte na matagal ding isinara dahil sa pagguho ng lupa.

Ito ang sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Linggo, Nobyembre 6 kung saan maaari na muling madaanan ng mga motorista ang naturang kalsada.

Sa kabila na nagpapatuloy pa rin ang clearing operations ay pwede na ulit daanan ng lahat ng uri ng mga sasakyan ang Manila North Road sa bahagi ng Barangay Pancian.

Inaabisuhan naman ang mga motorista na mag-ingat pa rin ngunit siniguro naman ng DPWH na may mga tauhan sila sa lugar upang gumabay sa mga daraan.

Matatandaan na isinara kamakailan ang kalsadang nagdurugtong sa Ilocos Norte at Cagayan dahil sa mga serye ng rockslide at landslide. RNT/JGC