2 lasing sinita sa walang facemask, naghamon ng away

2 lasing sinita sa walang facemask, naghamon ng away

April 22, 2022 @ 10:20 AM 2 months ago


BACOOR CAVITE- Kulungan ang kinabagsakan ng dalawang lasing na lalaki matapos sitahin ng mga barangay tanod sa hindi pagsuot ng facemask sa labas ng bahay Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Alvin Ramos at Jonald Aquino, at kapwa residente sa Barangay Real 1, Bacoor City.

Batay sa report ng Bacoor City Police Station, sinita ng barangay tanod ang mga suspek dahil sa paglabag sa minimum public health protocols ang hindi pagsuot ng face mask.

Dahil dito, dinala sa barangay ang mga suspek subalit sa halip na humingi ng pasensya ang mga ito hinamon pa umano ang mga opisyal ng barangay ng suntukan at duwelo.

Bukod pa rito, hinamon pa ng patayan ang mga opisyal ng barangay at sinabing pasasabugin ang barangay hall.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Bacoor-PNP ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong bomb threat, oral defamation, unjust vexation, challenging to a duel, at disobedience to a person in authority./Mary Anne Sapico