2 leg stag derby sisiklab sa Araneta

2 leg stag derby sisiklab sa Araneta

September 5, 2022 @ 9:32 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Dalawang lokal Stag Derby na inorganisa  ng UMRBCA ang lalarga sa magkasunod na buwan ngayong taon tampok ang garantisadong P1 milyon papremyo sa Araneta  Center  sa Quezon City at  Texas Cockpit Arena sa Antipolo City.

Sa mababang halaga na P6,600 pot money at minimum bet na P6,600, magsisimula ngayong Martes (Setyembre 6) ang  1st leg 7-Stag UMRBCA Local Stag Derby sa pamamagitan ng 3-stag elimination sa Big Dome.

Susundan ito 3-stag elimination sa Setyembre 13 sa Texas Cockpit Arena bago magbabalik ang aksyon sa Araneta Center sa Setyembre 19. Ang huling eliminasyon ay sa Setyembre 27 at ang pre-Finals 4-Stag ay sa Setyembre 30 na kapwa isasagawa sa Antipolo venue. Punong-abala muli ang Araneta  Center sa 4-Stag Finals sa Oktubre 4.

Sa pakikipagtulungan ng LDI, Vermex 4, Wash Out Intense, ThiabexXS at Red Gel Forte Plus, bibitiwan ang 2nd leg ng kampeonato sa 6-Stag duel na sisimulan ng 3-Stag elimination sa Oktubre 10 sa Araneta Coliseum. Sa mababang halaga na P5,500 pot money at P5,500 minimum bet,  garantisado ang premyong P500,000.

Tuloy ang 3-stag elimination sa Oct. 10 sa Araneta , Oct. 19 sa Texas Arena at  3-Stag Finals ay isasagawa sa Araneta sa Oct, 24, habang nakalaan ang P500,000 premyo  sa magwawaging ‘Stag Fighter of the Year. Ayon sa  organizers, pinapayagang ilahok ang lahat ng klase ng lahi na may timbang na 1,700 kgs, hanggang 2,200.JC