2 lindol tumama sa Zambales

2 lindol tumama sa Zambales

February 17, 2023 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng dalawang lindol ang Zambales nitong Huwebes ng hapon, ayon state seismologists. 

Batay sa magkahiwalay na abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang tumama ang magnitude 4.6 earthquake 43 kilometers southwest ng San Felipe town dakong alas-6:23 ng hapon.

Sinundan ito ng 4.2 magnitude na lindol na tumama dakong alas-6:33 ng hapon, na may epicenter na 49 kilometers southwest ng munisipalidad ng Iba.

Naitala naman sa San Felipe tremor ang sumusunod na intensities:

Intensity III – Iba at San Felipe

Intensity II – Cabangan, Botolan, Candelaria at Subic

Intensity I – San Antonio at Castillejos 

Instrumental Intensity I – Subic at Olongapo City

Sinabi ng Phivolcs said na walang inaasahang pinsala at aftershocks kasunod ng dalawang lindol. RNT/SA