2 lineman na nag-aayos ng kuryente sa NegOcc, nalaglag; sugatan 

2 lineman na nag-aayos ng kuryente sa NegOcc, nalaglag; sugatan 

January 1, 2022 @ 10:43 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang electric cooperative lineman habang nagtatrabaho upang maibalik ang suplay ng kuryente sa Hinigaran, Negros Occidental noong Miyerkoles, Disyembre 29.

Kinilala ang dalawa na sina Gaspel Reyes, 25 at Remiel Calapillo, 27.

Kapwa silang nagtatrabaho sa Iloilo II Electric Cooperative Inc. at umaasiste sa Negros Occidental Electric Cooperative upang maibalik ang linya ng kuryente na tinamaan ng bagyong Odette.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang dalawa makaraang dalhin sa Hinigaran medical clinic. RNT/FGDC