2 linggong ‘health break’ sa Alert Level 3 schools inihirit ng teachers’ group

2 linggong ‘health break’ sa Alert Level 3 schools inihirit ng teachers’ group

January 11, 2022 @ 4:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang isang teachers’ group nitong Martes sa pamahalaan na magdeklara ng dalawang linggong “health break” sa mga paaralan sa ilalim ng Alert Level 3 sa pagharap ng bansa sa paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) infections.

Umapela ang Alliance of Concerned Teachers matapos magsagawa ng chapter nito sa National Capital Region ng survey kabilang ang 7,448 public school teachers, kung saan lumabas na 55.1 porsyento ng respondents ang nakararanas ng flu symptoms.

“Teachers and students alike are struggling to keep holding classes amid this omicron-driven surge,” pahayag ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

“Either we’re sick or we’re taking care of family members who are. It’s only humane to give all of us a break amid this outbreak,” dagdag pa niya.

Inilahad din ng ACT na maraming guro ang nakapag-ulat ng pagbaba ng mga nakikilahok sa klase “due to many students also having flu.”

“This time should be 100 percent dedicated to getting better and thus should not be utilized for asynchronous classes nor for webinars or whatnots,” sabi ni Basilio.

Naniniwala ang ACT na sapat na ang 2-week break dahil katumbas nito ang bilang ng required quarantine days para sa COVID-positive patients. RNT/SA