2 listed drug pushers nalambat sa Navotas buy bust

2 listed drug pushers nalambat sa Navotas buy bust

December 14, 2022 @ 11:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang listed drug personalties, kabilang ang isang ginang matapos mabingwit sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon, Disyembre 12.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Shirley Llanera alyas “Ging-Ging”, 53, (pusher/listed) at Ernesto Dela Cruz alyas “Erwin”, 28, (pusher/listed), kapwa ng222 S. Roldan St., Brgy. Tangos South.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-5:40 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa illegal drug activity ng mga suspek.

Matapos tanggapin ang P300 marked money mula sa isang undercover police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad lumapit ang back up na operatiba saka inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) P27,200.00 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kotra sa mga suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. Boysan Buenaventura