2 LPA, binabantayan ng PAGASA

2 LPA, binabantayan ng PAGASA

August 6, 2018 @ 1:45 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Binabantaya ng PAGASA ang dalawang low pressure areas (LPA) na nasa labas ng Philippines Area of Responsibility (PAR) kaninang umaga (August 6).

Namataan ang isang LPA sa 1,280 kilometers sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. Inaasahan itong maging bagyo ngunit hindi tatama sa lupa, ayon kay PAGASA meteorologist Meno Mendoza.

Ang isa naman ay namataan sa 610 kilometers kanluran ng Subic, Zambales at hindi naman inaasahang lalakas pa, dagdag ni Mendoza.

Hindi pa gaano makakaapekto sa bansa ang dalawang LPA dahil malayo pa ito sa PAR.

Gayunpaman, ang habagat ay magdadala pa rin ng manaka-nakang pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mimaropa, at Western Visayas, ayon kay Mendoza.

Makararanas naman ng maayos na lagay ng panahon ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na mayroong kalat kalat na pag-ulan.

Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan, ayon sa anunsyo ng PAGASA. (Remate News Team)