2 LPA magpapaulan sa bansa-PAGASA

2 LPA magpapaulan sa bansa-PAGASA

July 27, 2022 @ 6:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Makararanas ang Ilocos Region, Zambales at Bataan ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng low pressure area, ayon sa PAGASA.

Ibinabala rin ng weather bureau ang posibleng posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Sa ulat ng PAGASA bandang alas-3 ng madaling araw nitong Miyerkoles, huling namataan ang LPA sa layong 845 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes, habang ang isa pang LPA ay nasa layong 235 km West Northwest ng Dagupan City, Pangsinan.

Ang Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ ​​/ localized thunderstorms na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.

Aktibong binabantayan din ng weather bureau ang aktibong tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR).

Matatagpuan ang tropical depression sa layong 2,265 kilometro silangan ng gitnang Luzon na may lakas na hangin na 55 kilometro bawat oras, pagbugsong aabot sa 70 kilometro bawat oras, at mabagal na kumikilos pahilagang-kanluran.

Sumikat ang araw bandang 5:38 a.m., at lulubog ito mamayang 6:27 p.m. RNT