2 LPA, mas palalakasin ang Habagat – PAGASA

2 LPA, mas palalakasin ang Habagat – PAGASA

August 7, 2018 @ 9:07 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Asahan ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa namataang dalawang low pressure area (LPA) na mag magpapalakas sa southwest monsoon o habagat, ayon sa PAGASA ngayong Martes (August 7).

Namataan ang isang LPA sa silangan ng Aparri, Cagayan at inaasahang magiging bagyo sa susunod na 12 hanggang 36 na oras, ayon kay PAGASA meteorologist Chris Perez.

Ang isa pang LPA ay nasa 550 kilometers kanluran ng Subic, Zambales na maaaring maging bagyo sa susunod na tatlo hanggang limang araw, dagdag pa niya.

Hindi tatama sa lupa ang dalawang bagyo ngunit palalakasin nito ang habagat na sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa ngayon, magdudulot ng manaka-nakang pag-ulan ang habagat na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Western Visayas at sa mga probinsiya ng provinces of Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan, at Mindoro, babala ng PAGASA.

Inaasahan ang dalawa hanggang tatlong bagyo ang tatama sa bansa ngayong buwan ng Agosto, ayon sa PAGASA. Remate News Team