2 lugar nananarili sa Signal No. 2

2 lugar nananarili sa Signal No. 2

June 3, 2021 @ 6:35 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Patuloy na nakaaapekto ang Tropical Storm Dante sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at hilagang bahagi ng Palawan na nagdudulot ng mga mabibigat na pag-ulan.

Bahagyang buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, Oriental Mindoro, at nalalabing bahagi ng Palawan kasama na ang Cuyo at Kalayaan Islands.

Namataan ang sentro ng Tropical Storm Dante sa karagatan ng Santa Cruz, Zambales taglay ang 65 kph na hangin malapit sa gitna at pagbugsong 90 kph na may bilis na 25 kph.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

LUZON

  • Zambales

  • the western portion of Pangasinan (Infanta, Mabini, Sual, Labrador, City of Alaminos, Anda, Bolinao, Bani, Agno, Burgos, Dasol)

Habang TCWS No. 1 naman sa mga sumusunod:

LUZON

  • the central portion of Pangasinan (Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Lingayen, Binmaley, San Carlos City, Urbiztondo, Bayambang, Bautista, Alcala, Malasiqui, Basista, Santa Barbara, Mangaldan, San Fabian, Mapandan, San Jacinto, Dagupan City, Calasiao)

  • Bataan

  • Tarlac

  • Pampanga

  • the western portion of Bulacan (City of Malolos, Calumpit, Paombong, Hagonoy, Bulacan, Pulilan, Plaridel, Guiguinto)

  • the western portion of Cavite (Tanza, Trece Martires City, Indang, Alfonso, Rosario, Cavite City, Noveleta, City of General Trias, Naic, Maragondon, General Emilio Aguinaldo, Magallanes, Ternate)

  • the western portion of Batangas (Calatagan, Lian, Nasugbu, Tuy, Balayan)

  • Lubang Island

RNT/FGDC