2 lugar nasa Signal No. 1 kay Dante

2 lugar nasa Signal No. 1 kay Dante

May 31, 2021 @ 7:10 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang dalawang lugar sa Visayas dahil kay bagyong Dante ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nakataas ang Signal No. 1 sa:

  • silangang bahagi ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Lapinig, Palapag, Laoang)

  • hilagang-silangang parte ng Eatern Samar (Arteche, San Policarpio)

Pinanatili ni Dante ang lakas ng hangin na nito na aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90 kph habang binabagtas ang pahilagang-kanlurang direksyon sa bilis na 20 kph.

Huli itong namataan sa 375 kilometro silangan ng hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Makararanas ng mahina hanggang sa bahagyang pag-ulan ang Caraga, Davao Region, Eastern Visayas, Bukidnon, at Misamis Oriental hanggang tanghali ng Martes.

May posibilidad ng pagbaha at pagguho sa mga nabanggit na lugar maging ang mga kalapit na lugar.

“Mariners of small seacrafts are advised to take precautionary measures when venturing out to sea. Inexperienced mariners should avoid navigating in these conditions,” ayon sa PAGASA. RNT/ELM