2 lugar sa Cotabato, ni-lockdown sa pamamaril

2 lugar sa Cotabato, ni-lockdown sa pamamaril

November 23, 2022 @ 7:39 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Isinailalim sa localized lockdown ang dalawang lugar sa Cotabato City dahil sa sunod-sunod na shooting incident na ikinasawi ng tatlo katao nitong Lunes, Nobyembre 21.

Sa ilalim ng executive order ng Cotabato City local government, ang Purok Talitay at Pag-asa sa Barangay Rosary Heights 7, at Purok Masagana at Fiesta Mall sa Barangay Rosary Heights 10 ay inilagay sa lockdown mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw na nagsimula nitong Martes, Nobyembre 22.

Sa oras ng lockdown ay bawal pumasok o lumabas sa mga nabanggit na lugar.

Ani Mayor Bruce Matabalao, may intelligence report na umano ang mga awtoridad sa banta sa seguridad at mga namataan na armadong indibidwal sa lungsod.

“The purpose of the lockdown is to ensure public safety amidst the existing security threats in the concerned areas,” ayon sa kalatas.

Maliban sa lockdown, naglatag na rin ng 24-hour outpots at random checkpoints sa lungsod.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa serye ng sunod-sunod na pamamaril sa lugar. RNT/JGC