2 lunod sa Cavite

2 lunod sa Cavite

December 20, 2022 @ 9:43 AM 2 months ago


CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang dalawang indibidwal matapos na malunod sa Ternate, Cavite noong Linggo, isa naman ang nakaligtas sa insidente.

Ang mga labi nina Lolito Bolea, 55, at Joy Medina, 46, ay narekober ng mga miyembro ng local search and rescue team.

Nailigtas naman ng mga ito si Sandy Poblete, 23, na dinala sa malapit na ospital para gamutin.

Ayon sa mga ulat, bahagi ang tatlo ng magkakasama sa trabaho na nagkayayaan na magswimming sa dalampasigan sa Barangay Sapang 1.

Malakas umano ang hangin at alon sa panahong iyon. RNT