2 maghahati sa P27.8M jackpot prize sa Megalotto 6/45

2 maghahati sa P27.8M jackpot prize sa Megalotto 6/45

December 30, 2021 @ 7:15 AM 8 months ago


Manila, Philippines ā€“ Paghahatian ng dalawang mananaya ang P27.8 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw noong Disyembre 29, 2021.

Nabola ang kombinasyong 18-29-03-25-15-39 kung saan umabot sa P27,879,938.20 ang kabuuang premyo nito.

Samantala, 37 naman ang nanalo ng second prize ng tig-P32,000 na nakakuha ng limang digit.

Makakukuha rin ang 1,628 mananaya ng tig-P1,000.00 para sa apat na numerong tinamaan at 25,837 naman ang nakakuha ng tatlong tamang numero na wagi ng P30.00. RNT/FGDC