2 magkaibigang naghatid ng lechon patay sa pamamaril sa Bulacan

2 magkaibigang naghatid ng lechon patay sa pamamaril sa Bulacan

December 14, 2021 @ 7:11 PM 10 months ago


BULACAN- Patay ang dalawang magkaibigan matapos barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Bulacan.

Kinilala ang mga biktima na sina Allan Rebuijo Y Langit, 46, at si Rodolfo Capulong y Marcos, 47, na naghatid lamang ng lechon sa birthday party sa Blk 2 Benjamin 2, Brgy. Graceville, CSJDM Bulacan, bandang alas-3:50 ng hapon nitong Lunes.

Mabilis namang nakatakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek sa pamamaril.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng Toyota Innova ang mga biktima na galing sa pagde-deliver sa Benjamin Village 2, CSJDM ng litson sa isang birthday celebration. Pinagbabaril ng mga armadong suspek sakay ng Toyota pick-up ang naturang Innova na nag-iwan ng maraming sugat sa mga biktima na nagging sanhi ng kanilang pagkasawi.

Agad naming tumakas ang mga suspek patungo sa Brgy Tungkong Mangga, CSJDM at posible umanong dumiretso sa Brgy.Malaria, Caloocan City.

Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang awtoridad ukol sa krimen at sinusuri na rin ang CCTVs sa pinangyarihang lugar. ###