2 magsasaka arestado sa tanim na marijuana

2 magsasaka arestado sa tanim na marijuana

June 27, 2022 @ 10:53 AM 1 month ago


BACOLOD CITY — Kulungan ang kinabagsakan ng dalawang magsasaka na halip palay o mga pananim na gulay ang itanim, huli ang mga ito sa pagtatanim ng marijuana sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Armando Mesino Quejado, 27, at Peter Benigay Laor, 30, kapwa ng Sitio Handalago, Barangay Nataban, San Carlos City, Negros Occidental.

Ayon kay Lt. Ruby Aurita, San Carlos police spokesperson, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa pagtatanim ng marijuana ng mga suspek.

Sa ginawang operasyon ng pulisya sa nasabing lugar bumulaga sa kanilang harapan ang 57 na mga pananim na marijuana at tinatayang aabot sa 2,000 gram ang bigat at nagkakahalaga ng P240,000.

Nakatakda naman sampahan ng kaukulang kaso laban sa mga suspek./Mary Anne Sapico