2 magsasaka  niratrat sa kalsada, dedbol

2 magsasaka  niratrat sa kalsada, dedbol

July 8, 2021 @ 11:18 AM 1 year ago


BENGUET – Patay ang dalawang magsasaka matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Brgy. Cuba, Kapangan ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Eliterio Sacla Licudan, 47, at Jerick Lidama, 25, may asawa, tubong Bindoy, Negros Oriental, kapuwa residente ng Brgy. Sagpat, Kibungan, Benguet.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang mga biktima ay nakasakay sa isang elf truck na may kargang maraming nakasupot sa plastik na sayote at patungong La Trinidad, Benguet nang mangyari ang pamamaril.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Kapangan Police para alamin kung ano ang motibo sa likod ng nangyaring pamamaril at para tuklasin kung sino ang mga salarin.  Rolando S. Gamoso