2 mangingisda sa tumaob na bangka, nasagip ng PCG

2 mangingisda sa tumaob na bangka, nasagip ng PCG

April 10, 2022 @ 3:16 PM 3 months ago


SARANGANI PROVINCE – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)  Sub-Station Maasim ang dalawang mangingisda sa baybaying sakop ng Maasim.

Isinalaysay nina Jun Jun Turno at Jorge Turno, mga residente ng Barangay Kablacan sa Maasim, Sarangani Province, na lumangoy sila patungo sa kanilang motorbanca na nakatigil sa layong 350 hanggang 360 metro mula sa baybayin upang ma-secure  sa pinakamalapit na dalampasigan.

Gayunman, bumaligtad ang kanilang bangka dahil sa maalon na dagat .

Namataan naman sila ni Purok Chairman Antonio Siarot of Sitio Danggan, Barangay Kabition Maasim na humihingi ng saklolo kaya agad itong nagtungo sa PCG Sub-Station Maasim.

Matapos malaman na nasa maayos nang kalagayan ang mga biktima, sila ay agad na itinurn over kay Chairman Siarot.

Pinaalalahanan din nito ang mga mangingisda na unahin ang kanilang kaligtasan at huwag nang pumalaot pa para mangisda kapag masama ang lagay ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden