2 menor, 1 pa todas sa salpukan ng bus vs motor sa SJDM

2 menor, 1 pa todas sa salpukan ng bus vs motor sa SJDM

July 6, 2021 @ 4:54 PM 1 year ago


BULACAN – Patay ang tatlong magkakaibigang magkaka-angkas sa motorsiklo matapos sumalpok sa nakasalubong na bus sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang mga nasawing si John Califlores, 17, binata, residente ng Brgy. Bagong Buhay II, rider ng motorsiklong skeleton at mga back rider na sina Erwin Tan, 28, vendor at Christine Ongkingco, 14 at residente ng Brgy. Sta Cruz III.

Arestado naman ang driver ng Bus ng Mayamy Trans na may plakang UVV293 na si Jerry Mendez, 46, residente ng Brgy. Bitungol, Norzagaray.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang aksidente bandang 11:00 pm, Lunes, July 5 sa kahabaan ng EVR road, Bagong Buhay 11.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang matuling motorsiklo hanggang sa sumalpok ng todo sa kaliwang harapan ng bus.

Nabatid na dead on the spot ang dalawang tumilapon na back rider habang isinugod naman ang rider sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte subalit dead on arrival ito.

Nalaman pa sa imbestigasyon na ang rider at ang dalawang back rider ay mga nakainom,walang suot na helmet,walang ilaw ang gamit na motorsiklo at kilalang mga drug racer ng motorsiklo sa lugar.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang bus driver. Dick Mirasol III