2 menor-de-edad, 1 binata huli sa droga

2 menor-de-edad, 1 binata huli sa droga

February 23, 2021 @ 2:12 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

ISABELA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng dalawang menor-de-edad at isang binata matapos mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa magkahiwalay na anti-drugs operation ng pulisya rito sa bayan ng Roxas, Isabela.

Sa direktiba ni PMaj. Edgar Manuel, hepe ng PNP Roxas, nahuling nagpa-pot session ng illegal na droga ang dalawang binatilyo na sina Raffy Domingo at Justine Bendillo na kapwa elementary graduate at residente ng Barangay Nuesa, Roxas, Isabela.

Una rito, may natanggap ang pulisya na mayroong nagaganap na pot session sa isang bakuran ng Domingo’s residence.

Kung kaya agad na tumugon ang pulisya na tumambad sa kanila ang dalawang binatilyo na humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana na binalot nila sa isang calendar paper.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang 1 nakabalot ng kalendaryo na pinatuyong dahon marijuana, 1 improvised pipe na naglalaman ng pinatuyong dahon din ng marijuana at 3 lighter.

Samantala, sa hiwalay na anti-drugs operation ay nahuli rin ang itinuturing na Drugs Individual Listed o Street Level Individual na si Pears Jayb Famucol, 23-anyos, binata, high school graduate, helper at residente ng Barangay Nuesa rito rin sa nabanggit na bayan.

Narekober ng pulisya sa isinagawang drug buy-bust operation sa pag-iingat ni Famucol ang tatlong plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, marked money na genuine P500 at tatlong peke na P500 at isang cellphone na Oppo na pinaniwalaang ginagamit nito sa kanyang transaksyon sa pagbebenta ng illegal na droga.

Nahaharap ang tatlo sa kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco


  •  
  •  
  •