2 menor-de-edad nilamon ng creek

2 menor-de-edad nilamon ng creek

January 8, 2023 @ 9:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang dalawang menor-de-edad matapos na malunod sa isang creek habang nakaligtas naman ang dalawang kalaro ng mga ito kahapon ng hapon sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang mga namatay na sina Lhilwayn Evangelista alyas Nognog, 11-anyos at Abraham Reyes, 12, kapwa nakatira sa Barangay Sto Domingo, Q.C.

Kinilala naman ang mga nakaligtas na sina Delfin Legarda 15, Ken Legarda 17, residente ng nasabing barangay.

Base sa ulat, pasado alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa G. Araneta near cor. N.S. Amoranto, Q.C.

Lumalabas na naglalaro ang apat sa ginawa nilang balsa sa creek nang biglang tumaob at tangayin sina Evangelista at Reyes sa mga nakatambak na basura sa naturang ilog.

Sa isinagawang search and rescue operation ng mga awtoridad kapwa walang buhay ang dalawa nang maiahon ang mga ito sa creek habang inihatid naman sina Delfin at Ken sa kanilang tahanan.

Lumalabas na dahil sa patuloy na pag-ulan kahapon ay tumaas ang tubig sa ilog dahilan upang tangayin ang dalawa namatay. Jan Sinocruz