2 menor de edad tiklo sa tangkang pagpatay

2 menor de edad tiklo sa tangkang pagpatay

May 14, 2022 @ 10:26 AM 2 weeks ago


BULACAN – Tiklo ang dalawang menor de edad matapos manutok ng baril at manaksak ng nakaalitan nila sa Norzagaray.

Kinilala ang mga suspek na sina “Pipoy” at “Bistek”, kapwa 16-anyos habang ang 19-anyos na biktima ay kinilalang si “John.”

Sa ulat, hatinggabi nitong Sabado ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang biktima nang bigla siyang tutukan ng baril saka sinaksak sa dibdib sa bahagi ng Barangay Minuyan.

Kumaripas naman ng takbo ang mga suspek habang isinugod sa ospital ang biktima na ngayon ay kritikal ang kondisyon.

Nagsagawa rin ng follow up operation ang Norzagaray police at nadakip ang dalawang suspek.

Dahil menor de edad, dinala sila sa kustodiya na ng municipal social welfare and development office. RNT/ JCM