2 menor nag-cutting para mag-tsongki, huli

2 menor nag-cutting para mag-tsongki, huli

October 25, 2022 @ 7:09 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nabulahaw ang pot session ng dalawang 15-anyos na binatilyo sa loob ng Quezon City Memorial Circle (QCMC) matapos na mag-cutting classes.

Isang saksi ang nagsumbong sa sekyu ng QCMC na agad namang umaksyon para mahuli ang dalawang menor-de-edad na sumisindi ng marijuana.

Depensa naman ng isa sa nahuli na nakita lang umano nila sa QCMC ang marijuana saka ito sinindihan.

Dinala sa QC Police District Station 11 ang mga menor de edad na nakatakdang iproseso. RNT