2 meteorite ibinida sa National Museum

2 meteorite ibinida sa National Museum

October 11, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naka-display ngayon sa National Museum of Natural History building bilang exhibits ang dalawang meteorites sa padiriwang ng Museums and Galleries Month.

Mamamangha sa ganda ng Orconuma Meteorite mula sa Oriental Mindoro at Bondoc Meteorite mula sa kagubatan ng Quezon province ang mga makakakita nito.

Ayon kay Bb. Maileen P. Rondal, Museum Curator I, bukas ang exhibit tuwing araw ng Martes hangang Linggo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. Crismon Heramis