2 military jet, nagsalpukan sa ere, 3 patay!

2 military jet, nagsalpukan sa ere, 3 patay!

April 1, 2022 @ 4:43 PM 3 months ago


SEOUL – Patay ang tatlong piloto at sugatan ang isa pa makaraang magsalpukan sa ere ang dalawang military jet ng South Korea habang nagsasagawa ang mga ito ng pagsasanay.

Hindi naglabas ang mga awtoridad ng pangalan ng mga nasawi at nasugatan at hindi rin iniulat kung anong eroplano ang sangkot sa aksidente.

Magkagayunman, inamin ng mga opisyal na parehong trainer jet ang mga gamit na nagmula sa KT aircraft base at matatagpuan sa Sacheon na nasa katimugang bahagi ng bansa.

Nagsagawa agad ang mga bumbero at awtoridad ng mga imbestigasyon at pagkuha sa mga bangkay at pagtakbo sa ospital ng nasugatan. RNT