2 misyon byaheng Venus, inianunsyo ng NASA



2 misyon byaheng Venus, inianunsyo ng NASA

June 3, 2021 @ 12:20 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

WASHINGTON – Inianunsyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang dalawang bagong misyon papuntang Venus.

Ayon sa NASA na balak nilang imbestigahan kung paano naging ganoon ang kondisyon ng Venus.

“These two sister missions both aim to understand how Venus became an inferno-like world, capable of melting lead at the surface,” ayon kay Bill Nelson, ang bagong kumpirmang administrator ng ahensya

“They will offer the entire science community the chance to investigate a planet we haven’t been to in more than 30 years.”

Pinondohan ang nasabing mga misyon ng $500 million sa ilalim ng Discovery Program ng NASA.

Inaasahan naman itong ilunsad mula 2028 hanggang 2030.

Sa nasabing misyon, ang DAVINCI+ o Deep Atmosphere Venus Investigation of Noble gases, Chemistry, and Imaging, ay kukuha ng datos ukol sa komposisyon ng carbon dioxide atmosphere ng Venus para malaman kung paano ito nag-evolve.

Aalamin din ng misyon kung mayroon bang dating dagat sa planeta sa pamamagitan ng pagpasok ng descent sphere will sa  makapal na atmosphere ng Venus.

Susukatin nito ang lebel ng gas at iba pang elemento.

Kukuha rin ang DAVINCI+ ng kauna-unahang high resolution na litrato ng planeta.

Ang isa namang misyon ay tinawag na VERITAS o Venus Emissivity, Radio Science, InSAR, Topography, and Spectroscopy.

Misyon naman nito na gawan ng mapa ang Venusian surface mula sa orbit para malaman ang geologic history ng planeta.

Ang nasabing misyon ay pagtutulungan ng NASA, German Aerospace Center para sa infrared mapper, habang ang Italian Space Agency at France’s Centre National d’Etudes Spatiales ay tutulong sa radar at iba pang parte ng misyon.

“It is astounding how little we know about Venus, but the combined results of these missions will tell us about the planet from the clouds in its sky through the volcanoes on its surface all the way down to its very core,” ani Tom Wagner, NASA’s Discovery Program scientist.

“It will be as if we have rediscovered the planet.”

Ang pinakahuling Venus orbiter ay ang Magellan ng NASA noong 1990. RNT


  •  
  •  
  •