2 miyembro ng Buddha group utas sa buy bust

2 miyembro ng Buddha group utas sa buy bust

August 4, 2018 @ 12:15 PM 5 years ago


Laguna – Dalawang hinihinalang miyembro ng Buddha group, gun for hire, robbery hold up at illegal drug trade ang nasawi sa engkuwentro sa buy bust operation ng pinagsanib na elemento ng Regional Drug Enforcement Unit 4 Calabarzon  (RDEU4A), Biñan City PNP at PDEA-4A kagabi sa Langkiwa, Biñan City.

Ang dalawang suspek na pawang namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen dahil sa tinamong tama ng bala sa parte ng katawan na nakilalang sina Darille Tabula at Johnrick Antoniano,kapwa nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.

Base sa inisyal na ulat na isinumite ni P/SSupt. John Kirby Kraft Provincial Director ng Laguna PNP kay P/Chief Supt. Edward Carranza Regional Director ng PRO4 Calabarzon ganap na alas-10 kagabi ng magsagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad hinggil sa iligal na operasyon sa droga ng mga suspek na humantong sa engkuwentro at ikinasawi ng mga ito.

Narekober ang dalawang unit ng kalibre 38 revolver na naglalaman ng dalawang fired cartridge cases, siyam na bala ng caliber 9mm, apat na sachet ng hinihinalang shabu, cellphone at 1,000 peso bill marked money. (Ellen Apostol)