KATANUNGAN TUNGKOL SA COVID-19

April 19, 2021 @12:40 AM
Views:
22
ANG coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Ang novel coronavirus o COVID-19 ay panibagong strain o uri ng coronavirus na hindi pa nakikita sa tao noon.
Nakahahawa ba ang coronavirus ng tao sa tao?
Ayon sa pag-aaral sa kasalukuyang sitwasyon, may ilang coronavirus na maaaring maipasa ng tao sa tao (human-to-human transmission).
Kadalasang nangyayari ito sa malapitang pakikisalamuha sa ibang taong mayroon nito gaya ng sa bahay, trabaho o health facility.
Ano-ano ang mga sintomas na dulot ng novel coronavirus?
Ang mga karaniwang sintomas na dulot ng coronavirus ay lagnat, ubo’t sipon, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa daluyan ng hangin.
Sa mga malulubhang kaso, maaari itong maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome at pagkamatay.
Ano ang magagawa mo upang maiwasan ang pagkalat ng nito?
Ugaliin ang madalas na paghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig, lumayo at takpan ang bibig at ilong kapag uubo at babahing gamit ang panyo o tissue.
Umiwas sa mga taong may lagnat ubo at sipon, umiwas sa paghawak ng mga hayop na apektado ng coronavirus at siguraduhin ang pagkain tulad ng karne at isda ay naluto nang maayos.
May gamot ba rito?
Sa ngayon ay wala pang gamot o bakuna laban sa COVID-19.
Supportive care at pag-aalaga base sa sintomas ang maaaring gawin para sa may mga kaso ng COVID-19.
BOOKIES QUEEN NG CALABARZON
Isang alyas Ka Tessie na tinaguriang bookies Queen ng San Pablo, Laguna ang patuloy na nag-o-operate ng bookies ng STL nito nang hindi man lang hinuhuli ng mga pulis ng Calabarzon.
Walang ginagawang aksyon ang kapulisan sa pamumuno ni CALABARZON REGION-4A DIRECTOR B/Gen. Felipe Natividad sa kabila ng patuloy ang operasyon ng bookies ng STL ni Ka Tessie sa nasabing rehiyon.
Ano kaya ang dahilan kung bakit napakalakas ang pasugalan ni Aling Tessie sa nasabing rehiyon nang hindi man lamang hinuhuli ng mga pulis?
Gen. Natividad, aba’y kumilos po kayo, huwag naman kayong tutulog-tulog sa inyong puwesto dahil parami nang parami na naman ang mga sugalan sa inyong nasasakupan.
oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]
BAKUNANG PAMBATA MAG-UUDLOT NG FACE-TO-FACE CLASSES

April 19, 2021 @12:36 AM
Views:
28
MAAARING tumuloy-tuloy hanggang sa susunod na taon ang distance learning na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) dahil sa paggawa ng bakunang aangkop sa mga edad ng ating mga mag-aaral.
Dahil na rin sa kasalukuyan panahon, ang mga bakunang itinuturok sa mga tao sa buong mundo ay pang may mga edad lamang, 18 taong gulang pataas.
At ayon din sa World Health Organization (WHO), samantalang ang mga bata ay ‘di naman nahaharap na madapuan ng matinding COVID-19, ang mga ito ay pwede pa ring makahawa lalo na sa mga may edad na at madaling dapuan ng sakit gaya ng kanilang mga guro, magulang at mga lolo’t lola kung sila ay papayagan ng makapunta sa kanilang mga paaralan.
Mayroon naman nang sinisimulang ‘clinical trial’ sa ibang bansa para sa mga bakunang aangkop sa mga kabataan at patuloy na pinag-aaralan kung ligtas ang mga ito na iturok sa mga may edad 18 pababa at maging ilang beses dapat silang turukan ng bakunang panlaban sa COVID-19.
Sigurado naman akong hangga’t wala pa niyan, hindi pa rin papayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na buksan na ang mga eskwelahan para sa face-to-face learning.
‘Yan ang unang-una niyang isinaisip at ipinag-utos na bawalan ang paglabas ng mga kabataan para mag-aral upang di mahawaan ng virus na nakamamatay.
Kaya gumawa ng paraan ang DepEd at sinikap na makapagtuloy ng pag-aaral ang mga kabataan sa pamamagitan ng “distance learning.”
Paano ngayon yan? Itong taon nga ng 2021-2022 ay 23 milyong estudyante lamang ang nagawang makapag-enroll at makapag-aral, dahil sa takot ng ibang mga magulang sa virus at kawalan ng ‘access’ o koneksyon sa teknolohiya gaya ng internet.
Kumpara sa school year 2019-2020 na 27.7 milyong mag-aaral ang nakapasok sa mga pribado at pang-publikong paaralan, dahil wala pang pandemya. Paano na lang ang school year 2021-2022?
Kaya naman ‘yan. Kung ang DepEd, ngayon palang ay hinahanap na ang mga estudyanteng ‘di nakapag-enroll sa anomang kadahilanan, at hikayatin itong mag-aral na muli kahit sa pamamagitan ng distance learning, upang di naman masayang ang kanilang mga panahon.
Siyempre dapat palakasin at pagandahin pa ng DepEd ang mga kaparaanan nitong magturo sa pamamagitan ng distance learning via on-line at sa tinatawag na ‘modular’ na paraan o kaya’y sa pamamagitan ng TV at radyong pagtuturo.
Sa ganitong paraan mababawasan ang mga ‘di mag-aaral o alanganin magpa-enroll.
Pwede pa nga kalabitin ng DepEd ang mga lokal nitong sangay maging pati mga barangay na, sa paghahanap ng mga batang ‘di nakapag-enroll o ayaw mag-enroll dahil sa walang kakayahang gumamit ng internet o ano pa mang kadahilanan.
Habang pinag-aaralan pa ang mga bakunang babagay sa mga edad nila, mas mabuting pag-aralan din natin kung paano mapabuti at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, nang ‘di nasasayang ang panahon nating lahat.
Nasa DepEd na naman ang bola niyan para sa school year 2021-2022.
Kasihan nawa tayo ng Maykapal.
—
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
BONG GO, TODO-MALASAKIT SA OFWs

April 19, 2021 @12:28 AM
Views:
27
KAKAIBANG pagmamahal at malasakit ang handog ng administrasyong Duterte sa ating mga kababayang Overseas Filipino Worker na naipakita sa iba’t ibang inisyatibo nito para sa kanila.
Nariyan ang pagsusulong ng pagtatatag ng Departamento para sa OFWs na pinangungunahan ni dating Special Assistant to the President (SAP) Senator Bong Go.
Ang panukalang batas na ito ay certified as urgent na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyan.
Inaasahang malaki ang maitutulong ng isang departamentong nakatutok sa kapakanan ng ating mga kababayang OFW na malayo sa kanilang pamilya at nagsasakripisyo sa ibayong bayan.
Bukod pa sa panukalang batas na ito, ayon kay Sen. Go ay malaking bagay rin na naisabatas ang pagbibigay ng handbook sa mga OFW na naglalaman ng mga importanteng impormasyon patungkol sa kanilang karapatan at reponsibilidad bilang mga manggagawa sa labas ng bansa.
Magbibigay-proteksyon ang handbook na ito para maiwasan ang anomang uri ng pang-aabuso sa mga OFW.
Ito ay walang bayad na ipamimigay sa ating mga makabagong bayani.
Hindi maitatangging tunay na malapit ang ating Pangulo at si Sen. Go sa ating mga OFW kaya sinoman ang lumapit sa kanila at manghingi ng tulong ay hindi nila tinatalikuran.
Kaya naman kakaibang pagmamahal din ang ibinibigay ng ating mga kababayang OFW sa ating Pangulo na talagang dinaragsa tuwing bumibisita sa ibang bansa at nakikihabilo sa mga migranteng Filipino.
Tunay na mahirap ang maghanapbuhay sa labas ng bansa at iwan ang iyong mahal sa buhay upang kumita ng salapi.
Kaya ang regalong ito ng administrasyong Duterte ang siyang munting pabaon ng bansa sa OFWs na sinusubok ang kapalaran sa ibayong bayan.
Sa ganitong paraan lamang ay maramdaman ng ating mga kababayang OFW na hindi sila pinababayaan ng ating pamahalaan at maging nasa malayong lugar man sila ay nananatili silang parte ng pamilyang Filipino.
CHINA SABIT SA MALAWAKANG ILLEGAL FISHING SA BANSA

April 19, 2021 @12:22 AM
Views:
29
NAKABABAHALA ang ulat ng Homonhon Environmental Organization (HERO), isang makakalikasang grupong naniniwalang higit pa sa 240,000 kilo ng isda ang ninanakaw ng mga dambuhalang barko ng Tsino mula sa karagatan ng iba’t ibang isla sa WPS.
Isiniwalat pa ng HERO na hangga’t nasa Kalayaan, isang malaking isla sa WPS, ang naglalakihang commercial fishing vessel ng China, mauubos ang yaman-dagat ng ‘Pinas kung saan nararanasan na ito ngayon ng ilang mangingisda na taga-Zambales.
Mula raw kasi nang pasukin ng mga Tsino ang mga isla ng Panatag Shoal (Bajo de Masinloc), tumigil na sa pangingisda rito ang mga kababayan natin bunsod ng halos wala na silang mahuling isdang itinuturing na mayaman sa laman-dagat noon pa man.
Ito rin ang reklamo ng mga mangingisdang naglalaot sa karagatan ng San Antonio na sakop ng nabanggit na lalawigan.
Kokonti na lang ang nakukuhang isda at pusit dahil sa misteryosong ingay ng mga higanteng barko ng China na hindi malaman kung ano ang ginagawa sa kailaliman ng dagat kung saan itinuturong istorbo sa marine resources dito.
Bagaman ipinarating sa kaalaman ni PCG Commander Natahaniel Gamis ang suliraning ito, hindi naman daw maitaboy ang mga barko ng China dahil nasa international nautical highway ang mga ito.
Ngunit batay sa obserbasyon ng mga mangingisda, halos apat na buwan nang nakikita roon ang mga barkong ito.
Ibig sabihin, habang nasa loob ng 370 kilometer exclusive economic zone nakadaong ang nagkukumpulang mga barko ng China na ang mga kababayang mangingisda natin ang may karapatan lang sa teritoryong ito kung saan hindi napatitigil ng gobyerno ang pagnanakaw nito sa kayamanan ng WPS, hindi rin hihinto sa pagsasalaula ng ating karagatan sa ilang libong isla ng bansa ang mga dambuhalang barkong pag-aari mismo ng mayayamang negosyante sa ‘Pinas.
Bakit nga naman ititigil ng mga operator ng Purse Seines, Zipper, trawl at iba pang uri ng ipinagbabawal na pangingisda batay sa RA 8550 (Fishery Code of the Philippines) ang kanilang panggagahasa sa karagatan ng bansang dahilan ng malawakang paghihirap ng maliliit na mangingisda kung hindi naman napalalayas ng gobyerno ang mga Chinese vessel na utak ng malakihang illegal fishing sa WPS?
Kaya naman sa kabila ng walang puknat at kaliwa’t kanang panghuhuli ng BFAR, Maritime Police, PCG at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga kababayan na iligalista sa karagatan, hindi pa rin matuldukan ang pamamayagpag ng illegal fishing sa bansa bunsod sa hindi rin naitataboy ng gobyerno ang mga dambuhalang barko ng China na mas malaki ang ninanakaw na isda bawat araw sa teritoryo natin sa WPS.
Tangna, ginawang sangkalan pa nga ng mga animal na may-ari nito ang lumalalang problema sa WPS kung saan plano pa nilang kumbinsihin ang pamahalaan na pahintulutan ang kanilang commercial fishing vessels na araruhin ang corrals sa loob ng 15 kilometro mula sa baybaying-dagat ng mga lalawigan na inilaan ng gobyerno sa marginalized fisherfolks alinsunod naman sa RA 8550.
Magkakaroon kaya ng lakas ng loob ang mga hinayupak na ito na itaob ang kaldero ng maliliit na mangingisda kung tuluyan nang napalayas ng pamahalaan ang mga Tsinoy sa WPS na patuloy na hinahakot ang ating yaman-dagat na dapat ay pinakikinabangan sana ng mga kababayan natin?
Alangan namang unahin pang walisin ng gobyerno ang ilang sakong tuyong-dahon sa loob ng bakuran kesa sa tone-toneladang basurang nasa labas nito?
BOOKIES NG STL AT BLACK SAND SA ALBAY HAWAK NI KAP. NIMO
Hindi talaga matibag ang mala-adobeng pader na sinasandalan ng isang Kap. Nimo sa Albay.
Hanggang ngayon ay patuloy na namamayagpag ang bookies ng STL na hawak nito sa halos lahat ng bayan sa nabanggit na lalawigan.
Kasabay rin ang walang tigil na bentahan ng black sand na hinahakot mula rito patungo sa lahat na yata ng dako sa bansang inginuso rin na ang dating kapitan lang ng Barangay Anislag ang may hawak.
Kunsabagay, sino ba naman ang mangangahas na ipatigil ang mga iligal na gawaing ito na ipinangangalandakan mismo ng Kap. Nimo na ‘yan ang pangalan ni Albay Gov.Al Francis Bichara bilang kanyang bossing?
Kaya hayun at lantaran ang tayaan ng JUETENG gamit ang STL at pagbebenta ng black sand kung saan diretso sa bulsa ni Kap Nimo ang kita habang bangkarote naman ang kaha ng kapitolyo.
Susmaryusep, maniniwala ba kayong hindi kumikita ang naturang gobernador mula sa kay Kap. Nimo?
oOo
Para sa inyong komento o suhestiyon, mag-text sa 09999388537/email [email protected]
OVERTIME NG MGA GURO BAYARAN NA!

April 18, 2021 @1:03 AM
Views:
101