2 most wanted person ng Malabon, tiklo Caloocan, Valenzuela

2 most wanted person ng Malabon, tiklo Caloocan, Valenzuela

February 9, 2023 @ 4:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang dalawang katao na listed bilang most wanted persons ng Malabon City matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Quezon Cities.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PMAJ Alfredo Agbuya Jr, kasama ang mga tauhan ng 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Albert Lachica, 41, sa kanyang bahay sa No. 68 Apitong Alley, Bagong Barrio, Barangay 152, Caloocan City dakong alas-10 ng umaga.

Si Lachica ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 292 noong January 31, 2023, para sa kasong Robbery Hold-up.

Nauna rito, dinampot din ng mga tauhan ng WSS sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Agbuya sa manhunt operation sa Francisco St., Brgy. Lingunan, Valenzuela City si Rodel Balane, 34, welder ng 231 Sitio 6, Brgy. Catmon, Malabon City dakong alas-8 ng umaga.

Dinakip si Balane sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 73, para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Malabon CPS sa pamumuno ni P/Col. Daro dahil sa kanilang masigasig na kampanya laban sa mga wanted persons. Boysan Buenaventura)